Connect with us
Click me!

Concept News Central

Pagiging NPA ng napatay na anak hindi na ikinagulat ng Bayan Muna solon

Francis Wakefield

Published

on

Sinabi ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat ngayong Linggo na hindi na siya nagulat sa pagsama ng kanyang anak sa New People’s Army (NPA) matapos naman itong mapatay sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo sa Surigao del Sur.

“Di ako nagtataka kung sumapi sa NPA ang aking anak dahil sa patuloy na nararanasan naming mga katutubo sa mga pagmamalupit at pang-aabuso ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at ng kanilang mga paramilitary groups. Naranasan mismo ito ng aming pamilya,” sabi ni Cullamat.

Ito’y matapos kumpirmahin ng militar na napatay ang anak na babae ni Cullamat na si Jevilyn Campos Cullamat, alyas Ka Reb, 22, matapos ang nangyaring 45-minutong bakbakan sa pagitan ng militar at NPA sa Barangay San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur, nitong Sabado.

“Nasa wastong gulang na si Jevilyn at kaya niyang magdesisyon para sa kanyang sarili. Naniniwala ako na makatwiran ang kanyang ipinaglalaban pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga lumad at katutubo at para magkaroon din ng makaturangang lipunan,” dagdag ni Cullamat.

Idinagdag ni Cullamat na walang kapantay ang nararamdamang sakit matapos mapatay ng AFP ang anak.

Read more: https://tribune.net.ph/index.php/2020/11/29/anak-ng-bayan-muna-partylist-solon-napatay-sa-surigao-del-sur-army/

Advertisement
Advertisement
Advertisement