Connect with us
Click me!

Latest

P26M halaga ng marijuana nakumpiska sa QC

TDT

Published

on

Nakumpiska ang 217 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P26 milyon matapos ang isinagawang buy-bust sa Brgy. Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City, Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat,  arestado rin sa operasyon sina Dianne Irene Rodriguez Cambalicer, 37; Louie Mark Cuballes Cuerdo, 29;  at Angelo Buenaventura Pascual, 22.

Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng EDSA Hi-way, Brgy Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City ganap na alas-7:40 ng umaga ng Linggo.

Sa isang kalatas, pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director PBGen Vicente Danao, Jr. ang matagumpay na operasyon ng pulisya.

Kabilang sa mga nakumpiska ang 217 bloke ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P26,040,000.

Tiniyak ni Danao na lalo pang paiigtingin ng NCRPO ang kampanya nito kontra droga.

”Iba’t ibang ahensya at units ang nagtutulong-tulong upang sugpuin ang paglaganap ng lahat ng uri ng droga, kasama na ang marijuana. Dahil sa maayos na koordinasyon at pagpaplano, nakasisiguro akong marami pang big time sources, distributors, peddlers o sellers ang ating mahuhuli sa kamay ng batas,” dagdag ni Danao.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement