Connect with us
Click me!

Concept News Central

Anak ng Bayan Muna partylist solon napatay sa Surigao del Sur–Army

TDT

Published

on

Napatay ang anak na babae ni Bayan Muna Representative Eufemia Campos Cullamat matapos ang 45-minutong bakbakan sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur, nitong Sabado.

Kinilala ang napatay na si Jevilyn Campos Cullamat, alyas Ka Reb, 22, pinakabatang anak na babae ni Cullamat.

Ayon sa ulat, nakasagupa ng 3rd Special Forces Arrowhead Battalion (3SFBn) ang mga NPA, na nagresulta sa pagkakapatay kay Cullamat.

Narekober din ang limang matataas na kalibre ng baril, kabilang na ang tatlong AK-47 rifle, isang M14 rifle, at isang M653 5.56 caliber rifle, limang backpack na may lamang mga dokumento.

Hinimok naman ni 3SFBn Commanding Officer Lieutenant Colonel Joey Baybayan ang iba pang miyembro ng NPA na sumuko na.

Samantala, nakiramay naman si 401st Infantry Brigade Commander Brigadier General Allan Hambala sa pamilya ni Cullamat.

“We send our sincerest condolences to the Cullamat family. We are saddened because we know that she and her family were just victims to the CNTs’ destructive and pointless ideology. While there are issues concerning the IPs, violent, armed, and terrorist struggle will never be the right solution to it,” sabi ni Hambala.

“We also call on the nation to support the National Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), to peacefully address the root causes of NPA terrorism and eventually end conflict here in Northern Mindanao,” dagdag ni Hambala.

Advertisement
Advertisement
Advertisement