Connect with us

Concept News Central

Panalangin ng pulis: Walang Simbang Gabi

Rico Osmeña

Published

on

CCPO Director Police Colonel Josephino Ligan. (Facebook grab)

Pinapanalangin ng kapulisan sa lungsod ng Cebu na walang Simbang Gabi sa Disyembre upang walang dahilan na magkumpulan ang mga tao na maaaring magpakalat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Hindi nirerekomenda ng CCPO (Cebu City Police Office) ang pagdaraos ng Misa de Gallo dahil matao ang ganitong tradisyon na maaaring ilagay sa panganib ang kalusugan ng mga tao dahil sa umiiral na pandemya,” pahayag ni CCPO Director Police Colonel Josephino Ligan sa mga reporter.

Sinabi rin ni Ligan na ang nasabing misa ay nasa oras ng curfew na mula alas 11 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga kung kailan hindi dapat nasa labas ang mga tao liban kung sila’y mga essential workers.

Bukod sa pagsisiksikan ng mga tao, ang pagbabantay ng Misa de Gallo sa lungsod ay dagdag na pahirap sa kapulisan na abala na sa pagpapatupad ng mga protokol sa kalusugan at paglaban sa krimen.

“Dagdag trabaho ito sa kabila ng pagtanggal ng pandagdag pwersa,” ayon pa kay Ligan.

Kung magpapasya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang Misa de Gallo, kakailanganin ng CCPO ang tulong ng mga barangay dahil hindi kaya ng 11 istasyon ng pulis na bantayan ang lahat ng simbahan sa lungsod, dagdag ni Ligan.

Ani Ligan, ang mga tanod ang magsisiguro ng kaayusan sa lahat ng simbahan at magsisimba.

Samantala, pabor si Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na idaos sa lungsod ang Misa de Gallo na magsisimula sa ika-16 ng Disyembre at tatagal hanggang ika-25 na nasabing buwan.

Ayon sa mayor, lilimitahan lang ang bilang ng magsisimba sa loob ng simbahan tulad ng ginawa nila sa pista ng Birhen ng Panuntunan nitong buwan kung saan sumunod sila sa social distancing at tatlong tao lamang ang pinayagan sa bawat upan ng simbahan imbes na 8 o 9.

Sinunod din nila ang mga patakaran sa kalusugan at kaligtasan, ani Chan.

Sinabi naman ni Lapu-Lapu City Police Office Director Police Col. Arnel Banzon na handa ang kapulisan na ipatupad ang mga kinakailangang security measures kung matutuloy ang Simbang Gabi.

Hihingi siya ng karagdagang pwersa sa Police Regional Office (PRO-7) na ipepwesto sa limang simbahan sa Cebu at isa sa isla ng Olango.

p: wjg

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement