Concept News Central
Water interruption ng Maynilad tatagal pa hanggang 29 November

Published
2 years agoon

Sinabi ng Maynilad Water Services, Inc. na tatagal pa hanggang Linggo, 29 Nobyembre, 2020 ang rotating water interruption na ipinatutupad nito sa kanyang mga kostumer sa kabila nang naunang pangako na ito ay hanggang ngayong Martes, 24 Nobyembre, 2020 na lamang.
Sa pinakahuling anunsyo ng Maynilad sa mga social account, partikular sa Facebook page nito, sinabi nitong palalawigin pa ang rotating water interruption ng limang araw.
“Sa aming huling tantya, aabutin pa ng karagdagng huling araw para matapos ito pati na rin ang muling pagpapataas ng produksyon ng tubig ng aming planta, at pagpuno ng mga reservoir,” sabi ng Maynilad.
“Dahil dito, kinakailangan naming i-extend hanggang 29 November, 2020 ang kasalukuyang rotational water service interruption upang masiguro na ang lahat ng apektado customers ay magkakatubig sa loob ng ilang oras kada araw,” dagdag ng Maynilad.
Nagsimulang maranasan ng mga kostumer ang pagkawala ng tubig isang araw matapos manalasa ang bagyong Ulysses noong 12 Nobyembre, 2020 dahil sa turbidity o paglabo ng tubig.
“Asahan ang unti-unting pag-ikli ng oras na walang tubig sa mga susunod na araw habang tuloy-tuloy ang pag-buildup ng tubig sa aming mga pipeline,” giit ng Maynilad.
LIKE US ON FACEBOOK

Plane with 22 people missing in Nepal

UK companies to trial four-day workweek

Bong Go extends support to struggling Samal residents

Koreans win best director, best actor in Cannes

Cost-of-living crisis forces more Brits to foodbanks

8 fishermen missing after boat collision in Palawan

Film with Pinay actor wins highest prize in Cannes

Heat down Celtics, force Game 7

Country music stars keep distance from NRA

VP TRANSITION, NAGSISIMULA NA

UP aces form econ team

Marcos open to Rody as ‘drug czar’

Hiatus

Diokno: Phl has strong economy

Next NEDA chief favors more PPP projects

Yassi Pressman learns to be a funny game show host

Texas massacre: Grief fuels anger

PRRD delivering ‘Final Report’

BBM: ‘For economy, country’
