Connect with us
Click me!

Concept News Central

Natalia Garibotto biyaheng langit

Gladys Mae Ablon

Published

on

Natalia Garibotto byaheng langit
Abot langit ang tuwa ng mga kalalakihang nakakikita sa mga Instagram post ni Natalia Garibotto, isang Brazilian model na nakabase sa US. Hindi maikakaila na halos silip na ang kanyang kaluluwa sa mga pigil-hininga niyang mga saplot na sumisigaw ng kanyang kaseksihan.

Naiskandalo naman ang Vatican nang i-like ni Papa Francis ang isang litrato ni Natalia kung saan naka micro-mini skirt ang morena at lawit ang kanyang thong at strap-on stocking. Agad itinanggi ng mga opisyal ng Vatican na ang Santo Papa ang nag-like at agad rin nilang in-unlike ang litrato.

Wala namang malisya para kay Natalia ang like ni Papa Francis noong Friday the 13th at itinuring pa niya itong sagradong bendisyon.

“At least, I’m going to heaven,” ang reaksyon ni Natalia sa kanyang tweet kinabukasan matapos ang kontrobersya.

Sa biyaheng langit na dulot ng mga santisimang litrato ni Natalia, para sa kanya ay kapalit naman nito ang makapasok sa gintong pintuan ni San Pedro at makamit ang walang-hanggang kaligayahan. Amen.

Advertisement
Advertisement
Advertisement