Connect with us
Click me!

Concept News Central

‘BATO’ DELA ROSA: NAG-POSITIVE AKO

Gladys Mae Ablon

Published

on

‘Bato’ dela Rosa: Nag-positive ako

Inamin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Sabado na nag-positive ang kanyang COVID-19 test.

“I’m sorry to inform you that I tested positive for COVID-19 yesterday. To all who made contact with me, please do the appropriate protocols,” ayon sa post ni Dela Rosa sa kanyang Facebook page.

Inamin din ng senador na pati ang kanyang panganay na anak, katulong at driver ay nag-positive sa kanilang COVID-19 test.

Ika-lima na si Dela Rosa na senador na nagka-COVID-19. Nauna nang nagka-COVID-19 sina senador Sonny Angara, Koko Pimentel, Juan Miguel Zubiri at Bong Revilla.

Ang pag-amin ni Dela Rosa ay kasunod ng pahayag ni Zubiri sa sesyon sa Senado noong Biyernes na may isang may COVID-19 sa sesyon nila noong Miyerkules.

Inabisuhan naman ni Senador Richard Gordon ang mga na-expose na magpa-quarantine hanggang Lunes para makita kung kakikitaan sila ng sintomas.

Ubo pa lamang ang nararanasang sintomas ni Dela Rosa, ayon sa mga ulat.

Advertisement