Connect with us
Click me!

Concept News Central

‘Bubble’ sa boksing, taekwondo at karate kasado na

Gladys Mae Ablon

Published

on

‘Bubble’ sa boksing, taekwondo at karate kasado na

Itutuloy na ng mga pambansang atleta sa boksing, taekwondo at karate ang kanilang ensayo sa “bubble” sa Inspire Sports Academy (ISA) ng SM Group sa Calamba, Laguna.

Ibinalita ito ni Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission (PSC) matapos makipagkasunduan ang ahensya sa SM Group na gamitin ang nasabing pasilidad na siyang dinausan ng iba pang training bubble sa mga nakalipas na buwan.

Sa ISA rin nagsanay ang koponan ng TNT Tropang Giga bago ito sumabak sa 2020 PBA Philippine Cup. Doon rin idinaos ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup at ang ensayo ng pambansang koponan sa men’s basketball para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers.

Karamihan sa mga pambansang atleta ay nagsasanay nang mag-isa upang makaiwas sa COVID-19. Ilan sa kanila ay nakalahok sa mga kompetisyon sa ibang bansa tulad nina Carlos Yulo, EJ Obiena, Eumir Marcial, Hidilyn Diaz at mga swimmer at judoka.

Ang pagsasanay ay para sa pagsabak sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Advertisement