Connect with us
Click me!

Concept News Central

Ex-Jolo police chief sa Army ‘misencounter,’ niratrat, patay!

TDT

Published

on

PHOTO COURTESY OF FACEBOOK/FZAFF S. SOLMERIN

Pinagbabaril hanggang mapatay Sabado ng hapon ang dating chief of police ng Jolo, Sulu na nalipat ng pwesto matapos masangkot sa pagpatay sa apat na Army intelligence officers nitong ika-29 ng Hunyo.

Kinilala ang nasawi na si Capt. Walter Annayo, 41, na sakay ng kanyang Toyota Fortuner at bumibili lang ng buko sa tabi ng kalsada sa Barangay Macabiso, Sultan Mastura sa Maguindanao province nang pagbabarilin ng ilang kalalakihan.

Dead on the spot si Annayo na nire-assign sa police regional office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Parang Maguindanao.

“Police investigators are still looking into Annayo’s shooting,” ani Major Bangon Mamako, ang hepe ng mga pulis sa Sultan Mastura.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement