Connect with us
Click me!

Latest

Lasing na pulis namaril; 1 patay, 1 pa sugatan

Pat C. Santos

Published

on

Isa ang patay, samantalang sugatan ang isa pa matapos na mamaril ang isang lasing na pulis sa Tondo, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng Manila Police District–Homicide section ang suspek na si  P/Cpl, Alvin Santos, na nakatalaga sa MPD Police Station 3 (PS3)- Sta. Cruz Station.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Joseph Marga, 32,  elevator installer at residente ng Blk. 6, JP Rizal st., Brgy 106, Tondo, Maynila.

Ginagamot naman ang isa pang biktima na si Mark Lester Quiñ0nes, 28, ng 36 Blk. 6 JP rizal st., Tondo, Maynila.

Base sa ulat, pauwi na ang dalawang biktima nang matiyempuhan ang suspek na noo’y lasing.

Sinita ni Santos ang dalawa at tinanong kung saan sila nakatira. Hindi umano nakuntento ang suspek sa sagot ng mga biktima,

Bigla umanong bumunot ng baril si Santos at pinagbabaril ang mga biktima.

Tumakas ang suspek matapos namang siyang pagtulungan ng mga nakasaksi sa  pamamaril.

Personal na humingi ng tulong ang misis ng napatay na biktima kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon naman kay SMaRT Chief  P/Major Rosallino Ibay, Jr., sumuko ang suspek kay MPD-Homicide section Chief P/Capt Henry Navarro ala-1  ngayong hapon.

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement