Connect with us

Concept News Central

80K OFWs nakatakdang umuwi bago matapos ang 2020

Raymart Lolo

Published

on

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang tinatayang 80,000 overseas Filipino workers (OFWs) bago matapos ang 2020, ayon kay OFW Welfare Administrator Hans Leo Cacdac ngayong Biyernes.
Idinagdag ni Cacdac na inaasahan na ang pagdagsa ng mga uuwing OFWs dahil na rin sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
“Of course, the figure is variable because it is Christmas season. Our countrymen will go home for Christmas,” sabi ni Cacdac.
Ayon kay Cacdac, umabot na sa 300,000 OFWs na nawalan ng trabaho ang nakabalik sa kani-kanilang probinsya.
Sinabi pa ni Cacdac na base sa datos ng 13 Nobyembre, umabot na sa 302,000 OFWs ang na-repatriate.
Samantala, umabot na sa 325,000 OFWs ang nabigyan ng cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“And we are currently wrapping up with about, maybe 20,000 more this coming week for the third tranche that we got from the national government,” dagdag ni Cacdac.
Nakatakda ring matanggap ng ahensiya ang ikaapat tranche para sa programa sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 Act.
Sa ilalim ng AKAP, tatanggap ng P10,000 ayuda ang mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa corconavirus diseases (COVID-19).

Advertisement
Advertisement
Advertisement