Connect with us

Concept News Central

2K OFWs tatanggap ng P30K ayuda–OWWA

Raymart Lolo

Published

on

Tinatayang 2,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tatanggap ng P30,000 ayuda mula sa “Tabang OFW” program bago matapos ang taon, ayon  kay Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac ngayong Biyernes.
Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni Cacdac na magsisimula ang pamamahagi ng cash assistance sa mga susunod na linggo.
Ang Tabang OFW program  ay progrma ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) para sa mga anak ng OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi rin ni Cacdac na tinatayang 80,000 OFWs ang nakatakdang umuwi bago matapos ang 2020..
Ayon kay Cacdac, umabot na sa 300,000 OFWs na nawalan ng trabaho ang nakabalik sa kani-kanilang probinsya.
Sinabi pa ni Cacdac na base sa datos ng 13 Nobyembre, umabot na sa 302,000 OFWs ang na-repatriate.
Samantala, umabot na sa 325,000 OFWs ang nabigyan ng cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Nakatakda ring matanggap ng ahensiya ang ikaapat tranche para sa programa sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 Act.
Sa ilalim ng AKAP, tatanggap ng P10,000 ayuda ang mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa corconavirus diseases (COVID-19).

Advertisement
Advertisement
Advertisement