Connect with us
Click me!

Concept News Central

Rabiya sa retoke issue: I’m beautiful then and now

Avatar

Published

on

Tigilan n’yo na ang pagtawag ng chaka o pangit sa kapwa n’yo. ‘Yan ang pakiusap ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa lahat matapos mag-viral ang yearbook photo niya na kinunan 11 taon na ang nakararaan.

May mga nag-comment kasi na ibang-iba ang itsura noon ng beauty queen kaya ang paniniwala nila ay nagparetoke ito, lalo na ng kanyang ilong.

Pagtatanggol naman ng mga tagasuporta ni Rabiya, “retokada agad, hindi ba pwedeng nag-bloom lang talaga siya nang magdalaga?”

Naging hot topic sa social media ang throwback picture ng dalaga na kuha sa kanilang yearbook ilang oras matapos siyang itanghal bilang Miss Universe Philippines 2020.

Ang nakasulat sa yearbook page ni Rabiya, “A girl with a glamorous smile. Every boy is mesmerized with her sophisticated looks. The darling of Year IV-Saint Agnes. That shimmering tan skin catches everyone’s attention especially the boys. She has a towering height.

“When she starts speaking, you should ready your handkerchiefs for your nose might bleed. She is a very sensitive person so be careful with the words you choose. She is sweet like sugar. That’s what makes Rabiya ‘Byang’: Brilliant, Youth, Admirable, narcissist and Gorgeous (sic),” dagdag description sa kanya.

At bago pa lumala ang isyu, ni-repost ng beauty queen sa Instagram Stories ang litrato na aniya’y kinunan 11 years ago at napakarami na raw nangyari sa buhay niya mula noon.

“This is me 11 years ago. I still didn’t have my braces. I don’t [know] how to put [on] makeup. I’m not aware of what angle flatters me most — but this is still me. A lot of things happened in that period of time.

“I grew up and became more mature. I was able to invest in myself and practice self-love. If there would be one thing that I want to offer other people to know about me, it’s that I’m beautiful then and now. The only thing different is now, I know better.

“P.S. Stop calling anyone ugly. If that’s how you see things, and maybe then, it’s your soul that needs surgery,” ani Rabiya sa mga mapanglait sa kanilang kapwa.

Si Rabiya ay gumradweyt ng cum laude noong 2018 with a bachelor’s degree in Physical Therapy from the Iloilo Doctors’ College.

Advertisement
Advertisement
Advertisement