Connect with us
Click me!

Concept News Central

PACC, hands off!

Avatar

Published

on

BELGICA

Hindi na umano iimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang isang regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inakusahan na nagpaagaw umano ng perang aabot sa P3 milyon nang magdaos ng kanyang kaarawan.

Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, hindi na umano nila ito sisilipin dahil naihain na ang reklamo sa Office of the Ombudsman.

“For that issue, we can no longer look it up since it is already in the Ombudsman,” saad ni Belgica sa panayam ng Concept News Central. “They have jurisdiction in both administrative and criminal aspects. We’re already out on that. The Ombudsman will investigate.”

Nito lamang nakaraan, kinasuhan si DPWH Region 1 Director Ronnel Montanez Tan — mister ni Quezon 4th district Rep. Helen Tan — ng grave misconduct at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at ng Local Government Code of 1991.

Matatandaang iniulat ng Daily Tribune na isinampa ni Arkie Manuel Yulde, councilor ng Lopez, Quezon ang kaso laban kay Tan sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ni Yulde na dinaluhan ang kaarawan ni Tan ng kanyang misis na si Helen, piling mga kaibigan at mga tagasuporta sa kanyang bahay sa ika-apat ng distrito ng Quezon.

Kabilang sa mga dumalo, ayon kay Yulde ay sina Gumaca, Quezon Mayor Webster Lerargo at Alabat, Quezon Mayor Ferdinand Mesa.

“Pag-agawan ninyo itong pera,” sabi ni Yulde na umano’y sinabi ni Tan sa kanyang mga panauhin.

Sinabi umano ng mga mayor kay Yulde na nakatanggap ang ilang bisita ng mula P100,000 hanggang P200,000.

Ayon kay Ylde, nakatira umano sina Tan sa “exclusive and luxurious subdivision at Loyola Grand Villas in Quezon City” — isang 600-square meter property. Nagkakahalaga ang lote sa village ng P75,000 per square meter.

Advertisement
Advertisement
Advertisement