Concept News Central
Bomb sniffing dogs kontra COVID-19

Published
2 years agoon

Gagamit na rin ng bomb sniffing dogs ang lokal na pamahalaan ng Antipolo para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Antipolo Mayor Andrea Ynares, gagamitin ang mga K-9 dogs para ma-detect ang nakakahawang sakit na ito.
“Matapos po nilang sumailalim sa apat na buwang training, malapit na nating makatulong sa pagdetect ng COVID-19 ang mga alaga nating aso sa lungsod,” pahayag ni Ynares sa kanyang Facebook post.
Ayon sa alkalde, ito ay ginagawa na ngayon sa maraming mga bansa tulad ng USA.
“Magtatalaga muna tayo ng mga trained K-9 dogs sa mega testing (swabbing) facility sa events center (sa likod ng Ynares Center) bago sila idestino sa ibang mga matataong lugar tulad ng ospital, palengke, atbp,” ani Ynares.
Anya, magsisilbing screening test ang mga asong ito bago tumuloy sa pagpapa-rapid test o RT-PCR swab test ang kanyang mga kababayan matapos makuha ang kanilang pagpayag.
Sa kasalukuyan, nasa 3,138 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang nasa 83 naman ang namatay sa naturang sakit at nasa 2,975 naman ang nakarekober.
LIKE US ON FACEBOOK

New Covid outbreaks put millions under lockdown in China

Poe refiles bill on proposed SIM Registration Act

BLACKPINK confirms August comeback and world tour

Oil rises after sell-off but euro stuck at 20-year low, equities drop

AirAsia Philippines ramps up operations in Malaysia

Gorgosaurus tipped to fetch $8-M at New York auction

Suspect in 4 July shooting an alienated youth with dark online persona

UP Diliman officials asked to probe alleged hazing in the university

New US study helps de-mystify Covid brain fog

ITCZ to bring rains in Phl

One more time: Imelda at her prime (2)

SMC chief defends Airport City zone

Marcos meets DA officials

Marcos rolls up sleeves

Palace explains PBBM veto

Go sees bright future

DoTr seeks expansion of Libreng Sakay

Senators file priority bills

One more time, Imelda at her prime (3)
