Connect with us
Click me!

Concept News Central

Vice, Ion sinolo ang EK para sa 2nd anniv; dumaan sa tamang health protocols

Avatar

Published

on

(Photo courtesy of Vice Ganda IG account)

Magkano kaya ang binayaran nina Vice Ganda at Ion Perez sa Enchanted Kingdom para celebration ng kanilang second anniversary?

Well, pwede rin namang libreng ipinagamit sa kanila ng may-ari ang nasabing theme park sa Laguna kapalit ng pag-eendorso sa kanila ni Vice Ganda — ex deal kumbaga.

Hindi pa kasi fully-operational ang EK ngayon kaya libreng-libreng nakapag-celebrate roon ang celebrity couple yesterday with some of their friends, including stand up comedians MC, Lassy and Negi.

“Hindi siya operational, walang kliyente o turista. Kaming dalawa lang (ni Ion) at saka ang staff namin,” kuwento ni Vice.

Sumailalim din sila sa ipinatutupad na health and safety protocols bago pumunta sa EK, including swab test and mandatory health check sa Laguna.

Kuwento ni Vice sa kanyang latest YouTube vlog, “October 25 is a very important day because it’s our anniversary. Yes, two years na tayo. Dahil espesyal ang araw na ito, of course, we need to celebrate.

“Ito ay isang bagay na worth ng isang selebrasyon. Kaya naman ise-celebrate natin sa espesal na lugar kung saan feeling namin ay magiging masaya kaming dalawa at masaya kami dahil pinayagan nila kami na dito i-celebrate ang anniversary namin.”

Habang kumakain ang magdyowa sakay ng umaandat na ferris wheel nasabi ni Ion kay Vice na, “Ang sarap nu’ng naging free tayo, tanggap tayo ng tao, kahit may ilan na hindi pa rin.”

Sagot ni Vice, “Ang pinakamasaya sa akin na nangyari ay nagdesisyon tayo na panindigan ito kahit hindi naman tayo sigurado kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang tao.

“Kasi maraming beses na iniisip ko ang magiging reaksiyon ng mga tao. At dahil iniisip ko ‘yon ay huwag na lang kasi natatakot ako.

“Dumating tayo sa point na wala na tayong pakialam kung ano ang reaksiyon niyo bahala na kayo basta tayo itutuloy natin ito, kasi ito ang gusto natin.

“Napakapalad ko na ‘yung ininda mo at nalampasan mo ‘yon, na hindi ka nasira ng mga pananakit na ginawa nila sa iyo.

“Maraming beses in the past mayroon akong mahal pero wala silang sapat na lakas at tapang na panindigan. Makita lang na kasama, takot na takot. Makitang nakahawak, takot na takot.

“‘Yung iba nga makita lang na kasama ako, takot na sila, lalo pa kaya kung minahal nila ako. Kung takot silang makitang kasama ako, mas takot silang mahalin ako. Natatakot silang mahalin ako kasi alam nila huhusgahan sila, ayaw nila.

“Isa-isa nila akong tinatalikuran pero ikaw ang lakas mo lang talaga. Sobrang lakas mo at kahit mga kaibigan ko ay hangang-hanga sa iyo. Sabi, ang tatag ni Ion. Grabe ang heart at grabe ang love. Thank you,” ang mahabang mensahe pa ni Vice sa kanyang boyfriend.

Naiyak naman si Ion nang panoorin ang music video ng kanta ni Vice na “Mahal Ako Ng Mahal Ko” na isinulat mismo ng komedyante para sa kanya katuwang si Moira dela Torre.

“Ang damdamin ko naikuwento ko siya sa isang tula. Tapos ‘yung tula ginawa kong kanta. Pinakiusapan ko si Moira kung pwede niya akong tulungan na ‘yung tula na ginawa ko para sa iyo ay maging kanta.

“Para marinig ng maraming-maraming tao. Tumanda man tayo, mawala man tayo, hindi mawawala ang kuwento natin kasi patuloy na maririnig ang kuwento na ‘yon sa pamamagitan ng kanta. Hangga’t may isang taong magpapatugtog ng kanya na ‘yon,” ang mensahe pa ni Vice kay Kuya Escort.

Advertisement
Advertisement
Advertisement