Connect with us
Click me!

Concept News Central

Blackwater player nagnegatibo sa COVID-19 tests

TDT

Published

on

CLARK — Nagnegatibo sa pinakahuling antigen and reverse transcription-polymerase chain reaction tests (RT-PCR) ang Blackwater player na pinagsususpetsyahang tinaamaan ng COVID-19 sa loob ng PBA bubble rito.

Ayon sa pahayag ng liga nitong Lunes ng umaga, ang nasabing player, na nauna nang nagpositibo at dinala sa Capas, Tarlac upang ma-isolate, ay nagnegatibo base sa isinagawang tests noong Linggo.

“The PBA bubble remains intact and has not been breached. Nevertheless, we urge all participants to be extra cautious and strictly follow the protocols set for them inside the bubble,” ayon sa pahayag ng PBA.

Ito ang ikalawang kaso ng COVID-19 sa loob ng bubble matapos ang magpositibo ang isang referee noong nakaraang linggo.

Nagnegatibo rin sa mga pinakahuling COVID-19 tests ang nasabing opisyal ngunit nananatili pa ring naka-quarantine.

Advertisement
Advertisement
Advertisement