Connect with us
Click me!

Concept News Central

Kim Domingo, inatake ng depresyon

Avatar

Published

on

Mga mars, talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin halos maka-move on ang aktres na si Kim Domingo sa pagkamatay ng kanyang best friend na si Zacharael Gelzz dahil sa tumor sa baga.

Kasi naman, hanggang ngayon ay ipinagluluksa pa rin ni Kim ang pagkawala ng kanyang BFF at dinadamdam talaga niya ang pagkasawi ng kanyang matalik na kaibigan na ang turing niya ay parang tunay na kapatid at kapamilya.

Dahil nga dito, kinailangan nang magpatingin sa isang espesyalista ni Kim matapos makaranas ng matinding depresyon.

Sa isang panayam, hindi napigilan ni Kim ang maiyak nang muling mapag-usapan si Zacharael at balikan ang magaganda nilang pinagsamahan mula pa noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Ayon sa dalaga, talaga namang gumuho ang mundo niya nang mamaalam ang kaibigan.

“Kaya tuwing magkakaroon ako ngayon ng achievement, sabi ko pupunta ako lagi sa kanya. Dadalawin ko siya. Every achievement na mararating ko ngayon sabi ko alay ko ‘yon sa kanya. Ang dami naming dreams,” sabi ni Kim.

“Tsaka sa lahat ng pangarap ko sa buhay talagang kasama na siya du’n kasi hindi ko siya itinuring na parang kaibigan lang kasi part of the family talaga,” dagdag niya.

Naikuwento na rin ni Kim na inatake siya ng anxiety at clinical depression kaya nagdesisyon na siyang humingi ng tulong sa isang psychologist.

Unti-unti naman daw umayos ang kundisyon niya matapos magpakonsulta at sa tulong na rin siyempre ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Ngunit aminado siya na apektado pa rin siya at nangungulila sa pagkawala ng kaibigan.

Sa ngayon, may bagong malaking achievement si Kim — ang pictorial niya para sa isang magazine at dito nga niya napatunayan na hindi niya kailangan ng sexy image para may mapatunayan.

“Nu’ng time na nandu’n pa ako sa sexy image, ‘yung time na hindi ko pa masabi na parang ayoko na, tapos parang nasu-suffocate ako parang ano bang gagawin ko. Darating ka sa point na ganu’n e, na sasabihin mo na hindi ka na masaya du’n sa isang bagay,” sabi ni Kim.

“Depende na lang din talaga kapag sobrang kailangan siguro. Pero hindi na katulad talaga ng dati. ‘Yun ‘yung hindi ko na talaga maibabalik,” dagdag niya.

Be strong Kim. Everything’s going to be alright.

Advertisement
Advertisement
Advertisement