Connect with us
Click me!

Concept News Central

Janella, nanganak na nga ba?

Avatar

Published

on

How true ang mga alingasngas na nanganak na raw ang aktres na si Janella Salvador abroad?

May mga netizens kasi na nag-point out sa isang post ng boyfriend ng dalaga na si Markus Paterson sa Instagram kung saan ipinakita dito ang litrato ng isang bagong panganak na sanggol.

Bukod dito, isa pang photo ng babae na nakahiga sa hospital bed at tila natutulog ang ibinahagi ni Markus sa kanyang Instagram Story na kamukha nga ni Janella.

Na-delete na ang nasabing post, pero hindi pa rin matatawaran ang bilis ng mga netizen dahil may mga nakapag-screenshot na ng nasabing post at kumakalat na ngayon sa social media.

Kung matatandaan, kumalat ang chika na nagdadalang-tao umano si Janella at si Markus nga ang itinuturong tatay nitong nakaraang buwan, pero hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na kumpirmasyon ang magdyowa at hindi rin naman sila nagdedenay tungkol dito kaya ang paniwala ng marami ay may bahid ng katotohanan ang tsismis.

Nasa UK ngayon sina Janella at Markus at kasalukuyang tumutuloy sa bahay ng pamilya ng aktor. Last month lang nabalita na nagtungo rin doon ang nanay ni Janella na Jenine Desiderio at ang kapatid niyang si Russell.

Pero kahit maraming alingasngas na buntis nga si Janella, proud na ipinagsigawan ni Markus sa isang panayam na mahal na mahal niya ang aktres. Ibang-iba raw ang nararamdaman niya kapag kasama niya ang aktres.

“I’ve never been in love the way I am. I’ve never felt the love that she makes me feel. There is no one or thing that could make me look at another woman the way that I look at her right now,” sabi ni Markus sa isang panayam online.

“Like, it’s not even fair to my family how much I’m in love with this woman. Because I would put her above anything else. To the vague question why I’m still with her, it is because I couldn’t live without her. That’s as simple as it is,” dagdag niya.

Advertisement
Advertisement
Advertisement