Connect with us
Click me!

Concept News Central

TNT, anstapabol!

Ian Suyu

Published

on

Mga laro ngayon
(AUF Arena)
4 p.m. – NLEX vs. Meralco
6:45 p.m. – Magnolia vs. Phoenix

CLARK – Nanatili sa tuktok ng standings ang TNT Tropang Giga matapos nitong pataubin ang Blackwater, 109-96 para sa ikalimang sunod nitong panalo sa PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Arena dito.

Pinangunahan ni Roger Pogoy ang opensa ng Tropang Giga matapos kumamada ang 20 puntos, habang si Ray Parks at Troy Rosario ay nagdagdag ng 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Tumapos naman ng may 16 puntos si Simon Enciso.

Sa kabila naman ng perfect record nito na 5-0, sinabi ni TNT coach Bong Ravena na marami pa ring kailangang gawin ang kanyang koponan.

“As much as possible, our mindset would really be to stay hungry and never be complacent,” saad ni Ravena.

Samantala, susubukan namang makabangon ng Magnolia at Phoenix mula sa kanilang pagkatalo sa kanilang paghaharap sa 6:45 p.m. main game sa pagpapatuloy ng bubble setup ng liga.

Maghaharapan naman ang Meralco at NLEX sa unang laro alas kuwatro ng hapon.

Nakalasap ng magkasunod na talo ang Fuel Masters at hangad nila na maibalik ang momentum sa kanilang napipintong pakikihamok sa Hotshots na galing din sa magkasunod na pagkabigo.

“We would get better. We just need to get over this challenging week before facing Magnolia next,” saad ni Phoenix head coach Topex Robinson. “We’ll be okay. We just have to go through these kinds of challenges. I’m sure we’ll get over this sooner than expected.”

Si Magnolia coach Chito Victolero naman, sinabing kailangan nilang maramdaman ang sense of urgency.

“Right now, we just need to have a sense of urgency. Although it is not yet the time to panic, we really need to get a win after coming from two losses,” sabi ni Victolero. “Our last two games were winnable games for us. We just couldn’t get the breaks of the game and got unlucky down the stretch.”

“But mentally, we have already prepared for Phoenix. We just hope that we can perform what we have prepared in our practices,” dagdag niya.

Advertisement
Advertisement
Advertisement