Connect with us
Click me!

Concept News Central

Same sex union ok!

Avatar

Published

on

Inihayag ng Malakanyang nitong Huwebes na suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpasa ng batas para sa same-sex union sa Pilipinas.

“The President has said it again and again, pabor po siya sa isang batas na magre-recognize sa civil union sa mga parehong kasarian or same sex,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang televised briefing.

Ito’y bilang reaksyon sa pinakahuling pahayag ni Pope Francis, matapos naman niyang paboran ang same sex union.

Samantala, duda naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kung makukumbinsi ang mga mambabatas sa naging pahayag ni Pope Francis.

“Same-sex union is already being practiced here and there is nothing we can do about it. Same-sex marriage is the one which is not acceptable to many religions and other sectors,” sabi ni Sotto.

Idinagdag ni Sotto na pinapayagan naman ang same-sex union, bagamat hindi ligal.

“It’s just tolerated but not in the legal sense. We should leave it at that. Baka mapainitan pa,” dagdag pa ni Sotto, na kilalang kontra sa same-sex marriage.

Sa bagong dokumentaryo, tahasang sinuportahan ni Pope Francis ang mga panawagan na payagan ang same-sex couple sa kabila ng posisyon ng Simbahang Katoliko laban dito.

“What we have to create is a civil union law,” sabi ng Papa sa dokumentaryo na inilabas sa Roma. “That way they are legally covered.”

Sa kasalukuyan, may mga panukalang batas ang nakabibin sa Kongreso na nagsusulong ng sex marriage sa bansa.

Advertisement
Advertisement
Advertisement