Connect with us
Click me!

Concept News Central

PBA coaches, may tiwala sa bubble

Ian Suyu

Published

on

CLARK – Nananatili pa rin ang tiwala ng mga coaches ng koponan sa PBA at kumpiyansa ang mga ito na ligtas pa rin ang quarantine bubble ng liga matapos mapabalitang mayroon nang suspected na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa loob ng bubble.

Ayon kay NLEX coach Yeng Guiao, tiwala siya kung paano inaksyunan ng PBA, Bases Conversion Development Authority (BCDA) at ng Clark Development Corporation (CDC) ang kaso ng isang referee na umano’y nagpositibo sa swab test subalit nag-negative sa rapid antigen test nitong Miyerkules.

Dagdag ni Guiao, maayos ang ginawang hakbang ni PBA commissioner Willie Marcial na isailalim sa isolation ang referee sa Athletes Village at inaksyunan agad ang kaligtasan ng mga nasa loob ng bubble.

“There is no 100 percent guarantee that you can keep the virus out. But so far, I have nothing but praises for CDC, BCDA and PBA in the way they handled the situation and conducted the tournament,” sabi ni Guiao.

“The mere fact that we are still going strong and they were able to mitigate and contain the situation right away is a testimony on how they are managing this conference,” dagdag niya.

Si San Miguel Beer coach Leo Austria naman, inihayag na matutuloy pa rin ang liga sa kabila ng insidente.

“It’s okay for us to push through with the games. We’re here and we will follow whatever they want us to do,” saad ni Austria. “We just need to be more careful and act as if we are in a bubble within a bubble. I know the league is doing its best in preventing this issue and we’re glad that it is under control.”

Sumang-ayon naman si Magnolia head coach Chito Victolero sa tinuran ni Austria.

“I think the PBA can control this issue. There’s no reason to panic. We just have to follow the strict protocols they are implementing,” ayon kay Victolero. “It’s all up to them, we trust the commissioner and his staff on whatever actions they need to do.”

Advertisement
Advertisement
Advertisement