Connect with us
Click me!

Concept News Central

Pasig City pinuri sa kampanya kontra COVID-19

Neil Alcober

Published

on

Pinuri ng Department of Health (DOH) ang kampanya ng Pasig City kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Binigyan ng pagkilala ang lungsod sa istratehiya nito kontra COVID-19, partikular ang kontribusyon nito para mapaganda ang critical care utilization rate, kabilang ang bilang ng  intensive care unit, isolation bed, at ventilator na ginagamit ng iba’t ibang health at medical facilities para sa mga pasyente ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
“Thank you to the Department of Health for recognizing the Pasig City LGU’s COVID-19 response. We were given an award and chosen as the LGU to share best practices on treatment,” sabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang social media post.
Idinagdag ni Sotto na malaking bagay ang pagtatayo ng mga COVID-19 Referral Center sa treatment strategy ng Pasig City kontra deadly virus.
Tumaas ang bed capacity para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa 211 porsiyento matapos na gawing COVID-19 Referral Facility ang Pasig City Children Hospital. Ginagamot dito ang moderate at severe na kaso ng COVID-19.
“This award inspires us to do even better. Our health care professionals are always on the lookout for ways to improve what we do. As a mayor, I’m very blessed to have this team,” dagdag ni Sotto.
“Congratulations to our hospital-based professionals and staff. We are proud of you!!” ayon kay Sotto.
Samantala, pinili  ng DOH ang Marikina City para sa testing, Maynila para sa kanilang itratehiya sa contact tracing, Valenzuela City para sa kanilang istratehiya para sa isolation at Pasay City para sa  CODE implementation.
Umabot na sa 7,609 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasig City kung saan 320 ang nasawi at 7,023 ang nakarekober.

Advertisement
Advertisement
Advertisement