Connect with us
Click me!

Concept News Central

P170K shabu nakumpiska sa Taytay

Neil Alcober

Published

on

Nakumpiska ang P170,000 halaga ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Taytay, Rizal Huwebes ng gabi.

Arestado rin sa operasyon ang high-value target na nakilalang si Norhasan Sana-ani, alyas Toto, ayon sa Taytay Municipal Police Station (Taytay MPS).

Isinagawa ng mga operatiba mula sa Taytay MPS drug enforcement team ang operasyon sa C6 Road, Barangay Sta. Ana, Taytay ganap na alas-7 ng gabi.

Nakumpiska mula sa operasyon ang limang sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo at nagkakahalaga ng  P170,000; P20,000 na buy bust money, kabilang ang isang pekeng P1,000 bill); at P1,000 narekober na pera.

Hinala ng pulisya, isa ang suspek sa malaking pinagkukunan ng iligal na droga sa Taytay at kalapit ng mga bayan.

Nahaharap si Sana-ani sa paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Advertisement
Advertisement
Advertisement