Connect with us
Click me!

Concept News Central

Ogie Diaz: Hindi Gabriela si Liza!

Avatar

Published

on

Dahil sa kabi-kabilang mga komento, argumento at debateng nangyayari ngayon kaugnay sa “red-tagging” umano sa aktres na si Liza Soberano, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang manager niya na si Ogie Diaz at nilinaw na ang mga bagay-bagay kaugnay sa isyu.

Ayon sa social media post ng talent manager at host, nag-guest lamang si Liza sa webinar at hindi umano totoo na miyembro na siya ng Gabriela na isang samahan ng mga kababaihan na tumutulong mga inaapi o hindi patas na pagtrato sa mga babae.

“Nag-guest lang po sa webinar ng Gabriela Youth si Liza Soberano. Hindi po siya miyembro ng Gabriela o ng kahit anong partido o partylist,” pahayag ni Ogie. “Nagsasalita lang po siya bilang babae at kabataan, dahil kilala siya sa kanyang advocacy. Wala naman pong masamang sinabi si Liza patungkol sa mga karapatan ng kababaihan at ng kabataan sa webinar na ‘yon.”

“Saan pong organisasyon dapat magsalita si Liza na bagay pag-usapan ang tungkol sa women’s and children’s rights na kikilalanin at paiigtingin ang karapatan ng mga babae at mga bata na hindi po siya mare-redtag?” dagdag niya.

Si Liza ay kasalukuyang nasa Amerika ngayon para alagaan ang maternal grandmother at nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Samantala, naglabas na din ng official statement ang legal counsel ni Liza na si Atty. Jun Lim ng Lim & Yutatco – Sze law firm tungkol sa red-tagging issue sa aktres.

“We denounce in the strongest terms the ‘red-tagging’ of our client, Ms Liza Soberano, in some social media platforms. Expressing her love and respect for women and children is her personal advocacy,” saad ni Lim. “Ms. Soberano remains to be apolitical. She does not support nor antagonize any person’s political views. The important poit here is respect for others, a virtue she has conscientiously practiced all her life.”

“We, thus, call on everyone concerned to be circumspect in associating our client with their respective political beliefs, whatever it may be,” dagdag niya.

Advertisement
Advertisement
Advertisement