Connect with us
Click me!

Concept News Central

Ulat hinggil sa hazard pay ng mga health workers dapat isumite ni Duterte–solons

Hananeel Bordey

Published

on

Nanawagan ang mga senador kay Pangulong Duterte na magsumite ng ulat kaugnay ng pagbibigay ng Special Risk Allowances (SRA)  sa mga health workers sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One Law (Bayanihan 2).

Sa pinagsama-samang komento ng mga mambabatas sa unang buwang ulat ni Pangulong Duerte kaugnay ng implementasyon ng Bayanihan 2, nais ng mga mambabatas na malaman ang dahilan ng pagkakabalam sa pamamahagi ng hazard pay para sa mga medical workers.

“The problem with the distribution of the Special Risk Allowance (SRA) for health workers has been a persistent issue and a recurring complaint of healthcare professionals,” sabi ng mga senador.

“The Bayanihan 2 Monthly Report confirmed that the [Department of Health] just recently submitted to the [Department of Budget and Management its cost estimates regarding SRA and hazard pay of private and public healthcare workers. What is the cause of this delay?” tanong ng mga senador.

Idinagdag ng mga senador na ito’y batay sa section 4(k) ng Bayanihan 2 na inaatasan ang Ehekutibo na magbigay ng ulat kaugnay ng pamamahagi ng SRA.

“To ensure that the same issue in the delay of receipt of benefits will not be repeated, the Senate would like to secure a report on the implementation of sec. 4(k) of RA 11494 including the list of health care workers who received such benefit as well as healthcare workers who have yet to receive the benefit under the same provision,” dagdag ng ulat.

Inatasan din ng Senado ang DOH na magbigay ng ulat kaugnay ng pagkuha ng karagdagang medical workers.

Sa isinumiteng ulat ni Duterte, sinabi niya na umabot na sa 8,980 o 76.72 porsiyento ang kinuha sa ilalim ng Human Resource for Health.

Nais ng gobyerno na payagan ang pagkuha ng 11,705 medical workers, na itatalaga sa mga prayoridad na health facilities.

Magtatapos ang Bayanihan 2 sa 19 Disyembre sa ng pagsasara ng sesyon ng Kongreso.

 

Advertisement