Connect with us
Click me!

Concept News Central

Kylie, Jake 3 buwan nag-live-in dahil sa lockdown

Avatar

Published

on

(Photo courtesy of Jake Cuenca IG account)

Three months ding na-experience ng celebrity couple na sina Jake Cuenca at Kylie Versoza ang “mag-live in.”

Nangyari ito noong kasagsagan ng lockdown sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa isang interview, sinabi ng beauty queen-turned-actress na wala siyang nakikitang masama kung nagsama na sila ni Jake sa isang condo. Nasa tamang edad na raw kaya hindi na isyu kung mag-live in man sila.

“Feeling ko two to three months yon, kasi quarantine yon, eh, MECQ tapos nalaman naming mag-e-extend pa yung quarantine. For a period, we decided to stay together.

“I think, I’ve been independent since college pa ako and I think Jake and I are at the right age and both of us have work very hard to get what we are today.

“So, I think, I guess dapat i-respect ng tao yung desisyon namin kasi we are very independent people who just trying to be the best version of ourselves,” pahayag ni Kylie.

Sabi pa niya sa nasabing interview, “We’re not trying to hurt anyone, we’re just having fun with our lives and I think, hindi na kami teenybopper. Hindi na kami younger 20s.

“I hope people respect our decisions with whatever decisions we have with our lives kasi we’re already off age,” aniya pa.

Sa kasalukuyan, nasa kanya-kanya na silang condo unit ni Jake pero magkalapit lang daw yung building tinitirhan nila kaya anytime na type nilang magkita ay pwedeng-pwede.

Nang hingan ng reaksyon tungkol sa mga kumokontra sa pagli-live in nila ni Jake, “Naiinis kasi ako na parang ano bang pakialam n’yo, di ba? Para sa akin, pakialam n’yo ba? Ganoon ako mag-isip, eh. So what?”

Advertisement
Advertisement
Advertisement