Connect with us
Click me!

Concept News Central

Jorge, ikaw ba yan?

TDT

Published

on

Mega-react agad ang ilang taong-Simbahan sa pagpabor ni Pope Francis sa pagbibigay ng proteksyon sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBT) community laban sa diskriminasyon ng lipunan.

Kesyo naliligaw daw ng landas ang Papa dahil sa kanyang mga tinuran noong siya ay tumutugon pa sa pangalang Jorge Bergoglio bilang archbishop ng Buenos Aires. May ibang nagsabi na pabor daw ang Papa sa same-sex marriage.

“Homosexual people have a right to be in a family. They are children of God and have a right to a family. Nobody should be thrown out or be made miserable over it,” aniya.

“What we have to create is a civil union law. That way they are legally covered. I stood up for that,” pahayag niya sa documentary na “Francesco” ng Oscar-nominated director na si Evgeny Afineevsky.

Irrelevant actually kung Papa o archbishop pa lang si Francis nang tinuran niya ang mga iyan dahil inapirma lang nito na bukas ang kanyang pag-iisip sa mga pagbabagong nangyayari sa loob at labas ng Simbahan.

Ang tanong lang siguro sa ngayon ay kung ang pananaw ni Archbishop Bergoglio ay siya pa ring pananaw sa ngayon ni Pope Francis.

Ngunit ang ikalawang bahagi nga na ba ng statement ay pagpabor sa same-sex marriage? Highly debatable iyan considering na sa Buenos Aires ay tumutol siya sa mga panukalang batas na nagsusulong ng same-sex marriage.

May mga nagsasabing iba naman ang kasal sa tinatawag na civil union. Muli, depende na iyan sa kung anong bansa ang tinutukoy at kung anong batas ang umiiral sa kanila.

Gayunman, kung isang pagpabor nga sa same-sex marriage ang kanyang pahayag kaugnay ng pagkakaroon ng civil union law, masasabing ang tinutukoy ay kasal sa ilalim ng batas ng tao at hindi sa batas ng Diyos.

Kumbaga, ang pahayag ay pag-amin lang na sa makabagong panahon, hindi na maaaring ipilit ng Simbahan ang lahat ng gusto nito sa mga nasasakupan sa pananampalataya.

Napaglipasan na kasi ng panahon na nagkakandamatay-matay ang mga mananampalataya para mabigyan ng indulhensiya habang takot na takot din na ma-excommunicate tulad ng panahon ni Jose Rizal.

Civil union may o same-sex marriage, iisa ang mensahe ni Pope Francis noong siya’y arsobispo pa lang. Na anuman ang sexual preferences ng bawat isa, hindi nagbabago ang pagiging tao natin.

At ano nga ba ang kasabihan natin diyan? Na madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao. Sa harap niyan, kung ikaw man ay hindi pabor o kaya ay kinasusuklaman mo ang mga miyembro ng LGBTQ community, hindi iyan dahilan para sila ay gawan ng masama.

Walang pinagkaiba ang homophobia sa racial bigotry.

Advertisement
Advertisement
Advertisement