Connect with us
Click me!

Concept News Central

IATF inaprubahan ang 30% kapasidad ng mga simbahan sa MM, iba pa lugar na nasa GCQ

TDT

Published

on

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang isang resolusyon na nag-ootorisa sa mga simbahan sa Metro Manila at iba pang lalawigan na nasa general community quarantine (GCQ) na gawing 30 porsiyento ang maaaring makadalo sa misa at iba pang religious activities, inihayag ng Palasyo ngayong Biyernes.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa ilalim ng IATF Resolution No. 80, kailangan din na aprubado ng isang lokal na pamahalaan ang mga pagtitipon.
Nauna nang umapela ang mga mayor sa National Capital Region (NCR) na dagdagan ang mga bilang ng mga taong papayagang makapasok ng simbahan,  mosque, at chapel, sa pagsasabing nagtitipon na lamang sa labas ng simbahan ang mga hindi makapasok dahil sa kasalukuyang limitasyon.
Napagdesisyunan din na gawing gawing alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-3 ng umaga ang curfew simula 1 Disyembre para bigyang daan ang Simbang Gabi.
Mananatili naman ang curfew sa Navotas mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.
“We do not have Undas. Cemeteries are closed. So maybe we should resume this Simbang Gabi as a Christmas tradition although 30 percent capacity could only be allowed,” sabi ni Roque sa isang televised interview.
Napilitang ang mga mananampalataya na dumalo ng misa sa online matapos ipatupad ang lockdown dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19).
Kailangan lamang na magsuot ng face mask, face shield sa loob ng Simbahan, maging sa Holy Communion.

Advertisement
Advertisement
Advertisement