Connect with us
Click me!

Concept News Central

Backrider patay sa salpukan sa Tondo

Avatar

Published

on

Talo ang motorsiklo sa trailer truck. (MPD PIO)

Isang babaeng backrider ang nakahandusay at wala nang buhay sa may kanto ng Mel Lopez Boulevard at Matimtiman Street sa Tondo, Maynila kaninang hapon.

Ang bangkay ay kinilala ng mga pulis na si Ann Regilyn P. Salandanan, 30, taga Tondo at nagtatrabaho bilang marketing assistant.

Tumilapon sa kongkretong daan si Salandanan at ang kanyang rider na kinilala namang si Nilo Paypon, 53, taga Tondo rin, nang sumalpok ang motorsiklo nila sa isang kasabay na trailer truck mga 5:42 ng hapon, Biyernes, ika-23 ng Oktubre.

Iniimbestigahan na ng pulis ang malagim na sakuna. Pat Santos

 

Advertisement
Advertisement
Advertisement