Connect with us
Click me!

Concept News Central

Tekla itinanggi ‘marital rape’; bumuwelta sa live-in partner

Avatar

Published

on

SUPER deny ang Kapuso comedian na si Super Tekla sa mga ibinibintang ng ka-live in niyang si Michelle Lhor Bana-ag.

Hindi raw niya magagawa ang lahat nang isinumbong ng kanyang kinakasama sa programa ni Raffy Tulfo, lalo na ang sinasabi ni Michelle na sexual abuse at pagpapabaya sa kanilang anak. Sinasabi ni Tekla na nasa tamang pag-iisip pa rin siya at never niyang magagawa ang mga akusasyon ng ina ng kanyang bunso.

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle yan, usapin ng pamilya yan. Isang napakasensitibong usapin yan Michelle,” ani Tekla sa interview ng GMA.

“Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maaapektuhan.

“Hindi totoo yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa ’yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae.

“Mahirap lang kami Michelle, sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,” tuluy-tuloy na pahayag n Tekla.

Sabi pa niya sa ka-live in, “Parte ng pagsasama natin yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa diyan, ’yun ang totoo, pero nag-a-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko, eh.”

Sa sinasabi naman ni Michelle na hindi sila binibigyan ng pambili ng pagkain kapag ayaw nitong makipag-sex sa kanya, “Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo yan. Alam n’yo yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic.”

Dagdag pa niya, hindi raw niya magagawang pabayaan ang anak nilang si Baby Angelo na ipinanganak na may anorectal malforma (walang butas ang pwit) kaya ilang beses itong inoperahan.

“Siya ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kani-kanino ako lumapit ng tulong para maligtas yang batang diyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan, Michelle,” sabi pa ni Tekla.

“Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko na gagawin ‘yun sa akin. Unang-una, wala akong kaalam-alam, pinlano nilang lahat, kung titingnan mo yung video, wala akong kaalam-alam.

“Michelle, karapatan mo yun, karapatan mo yun, nu’ng una pa lang binlock n’yo na ako sa Facebook, wala akong idea nagkalabuan tayo. Gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsisiksikan yung sarili ko sa inyo Michelle. “Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years, anim ko kayong inaruga. Six years, wasted lahat,” diin pa ng comedian.

Ipinagdiinan din ng Kapuso TV host na hindi na siya nagdodroga, handa raw siyang magpa-drug test kahit anong oras.

Advertisement
Advertisement
Advertisement