Connect with us

Concept News Central

Pulis, GF dedo

Published

on

Isang pulis sa Talisay City, Cebu ang nagpatiwakal matapos barilin ang kanyang nobya sa loob mismo ng presinto sa nasabing bayan.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa mga otoridad, ang pulis na nagbaril sa sarili matapos barilin ang kanyang nobya ay nakilalang si Lt. Praxilo Albiso na deputy police chief ng Talisay habang ang kanyang nobya ay nakilalang si Vernice Cardino.

Nangyari ang insidente sa police community precinct sa Brgy. Bulacao bandang alas diyes ng umaga ng Martes.

Ayon sa mga otoridad, naglalagi si Albiso sa community precinct pero ang opisina niya ay nasa city police station ng Talisay.

Sinabi rin sa ulat na una munang binaril ni Albiso si Cardino bago ito nagbaril sa ulo. Naisugod pa sa ospital ang mga biktima, pero namatay din kinalaunan ang mga ito.

Hindi pa malinaw kung ano ang mga naganap bago ang pamamaril ng pulis sa kanyang nobya at sa kanyang sarili.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement