Concept News Central
Paano na ang Pasko?

Published
2 years agoon

Sa kabila ng pagpapaluwag ng mga quarantine restrictions sa Metro Manila gaya ng pagbubukas ng mga establisyimento hanggang 30 percent at ang pagpayag sa paglabas ng mga kabataan at senior citizens, mayroon pa ring mga bagay na hindi pa rin pinapayagan ang gobyerno.
At ngayong halos isang buwan na lamang at Pasko na, may mga bagong protocols naman na inilabas na kabilang pa rin sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic response ng pamahalaan.
Nito lang, inihayag ng Metro Manila Council na bawal na muna ang Christmas party sa mga opisina man ng gobyerno o mga pribadong mga kompanya, habang may age limit naman ang pangangaroling sa Metro Manila.
Ayon kay MMC chair at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, mayroon silang guidelines at magbibigay sila ng panuntunan sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa pagdaraos ng Christmas party.
Ito ay matapos nilang mapagkasunduang ilagay ang rehiyon — ang itinuring na episentro ng coronavirus — sa general community quarantine (GCQ) hanggang sa katapusan ng taon.
Binigyang-diin din ni Olivarez na mahigpit pa ring ipapatupad ang panuntunang hindi dapat lumagpas sa 10 ang puwedeng magsama sa ano mang pagtitipon at sa halip, hinimok nila ang pagkakaroon ng virtual Christmas party.
Sinabi pa ng MMC chairman na sa ilalim ng GCQ ipinagbabawal ang pagdaos ng mga party.
“Kapag nahuli po sila ang mangyayari po niyan ay masususpend po sila, itong mga kawaning ito. Ang mangyayari po niyan, yun pong kanilang business will be affected kapag di po sila sumunod ng guidelines. Meron pong closure na ibibigay ang local government unit ganun din ho yung mga maghohost ng christmas party,” paliwanag ni Olivarez.
Samantala, pumayag naman ang mga alkalde na mangaroling ang mga may edad 18 hanggang 65 anyos.
Pero hindi lalampas sa 10 sa bawat grupo at hanggang alas-12 ng hatinggabi lang puwedeng mangaroling.
Hay naku. Talagang marami nang naaapektuhan ang pagkalat ng COVID-19 at para sa bansang napakahilig sa mga parties at pagtitipon sa tuwing dumarating ang Kapaskuhan, talagang isa itong malaking pahirap.
Pero ang mga ganitong klaseng mga protocols ay para rin sa publiko, upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19 at maibalik na sa normal ang lahat.
Sa mga nagtatanong kung paano na ang Pasko, well, wala na tayong magagawa dahil hanggang hindi nasasawata ang pandemya, tiis-tiis muna sa mga parties at malalaking pagtitipon.
Bawi na lang siguro tayo sa susunod na taon.

LIKE US ON FACEBOOK

Will cha-cha get a reprise?

Herculean tasks face BBM rule

DoH renews call for vape bill veto

22 years of faithful reportage, commentary

Video conferencing made stress-free

Razer’s Ornata V3 boasts of mecha-membrane

VIVO T1 5G Gamers need not ask for more

Vertiv unveils new rack switches

Good sex? Rubbish!

Fancy a car ride with free STD?

Biden sends VP’s husband

BBM clears last obstacle at SC

Palace urges Senate: File raps vs agri smugglers

SEC orders closure of Rappler

Local groups reset WPS bid

Security forces secure Metro Manila

MM still under Alert Level 1

Marcos’ face-to-face SoNA mulled

Solo parents get more benefits
