Connect with us

Concept News Central

Loisa, hirap ngayong pandemya

Published

on

Hindi na maitago ng young actress na si Loisa Andalio na talagang nahihirapan na siya ngayong panahon ng pandemya lalo pa at siya ang breadwinner sa kanilang pamilya.

Pag-amin ni Loisa, nagpapakatatag na lang siya ngayon at hanggang maaari ay ayaw niyang ipakita sa mga magulang at kapatid ang nararamdamang takot at pag-aalala ngayong wala pa rin siyang regular na trabaho sa ABS-CBN.

Kung matatandaan, natsugi si Loisa at ang kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte sa Kapamilya teleserye na “Bagong Umaga” kasabay din ng pagkakatanggal kay Julia Barretto sa nasabing proyekto.

At kahit gaano pa katapang si Loisa, hindi maiiwasan na bumigay na rin siya at wala nang magawa kundi ang mapaiyak tungkol sa pagkawala ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

“Pinaka-challenge talaga yung walang work. Bilang breadwinner, di ba, mahirap. Ikaw yung inaasahan ng family mo,” sabi ni Loisa. “Kasi, kumbaga, ikaw yung may pinaka-okay na trabaho noon, e. Tapos biglang wala. Tapos sila (mga kapatid) din naman, yung sinusuweldo ng mga kuya ko, tama lang naman sa mga anak nila din. So, mahirap, sobrang hirap.”

Pero siyempre, kailangang maging strong ang kanyang impression sa kanyang pamilya sa kabila ng takot na nararamdaman at si Ronnie na lang ang napaghihingahan niya ng problema.

“Napag-uusapan namin yung sitwasyon. Yung parang, ‘Hindi talaga natin alam, ‘no?’ Hirap. Mahirap din kasi sa family, kumbaga, kami yung parang strength, edukasyon, pagkain, lahat,” kuwento ng dalaga. “Parang ayaw namin sila din yung mag-alala din. Ayaw namin silang matakot.”

“Kumbaga, hindi din namin pinapakita. Baka malaman nila, ‘Ay, may ganyan pala si Loisa.’ Kumbaga, hirap, pero mas pinapakita ko sa family ko, ‘Wala ito, okay lang ito. Okay lang wala akong trabaho, huwag n’yong isipin.’ Pero deep inside, hindi okay, e,” dagdag niya.

“Pinipilit ko silang sabihan na, ‘Okay lang iyan, malalagpasin natin ito.’ Kumbaga, pagsubok din lang talaga ito, e. Kumbaga, laging dumadaan yung ganitong nangyayari sa mundo. Kailangan din mo lang talagang magtiwala,” sabi pa ni Loisa.

“At saka itong quarantine din, nagpapalapit sa atin sa Diyos. Kumbaga yun na din lang talaga yung pinanghahawakan ko, yung mga pangako Niya. Lagi kong sinasabi, kumbaga, ito yung buhay, kumbaga, kailangan lang nating i-enjoy. Huwag kayong mai-stress kung anumang problema. Problema lang iyan.”

Ang isipan n’yo lang, malakas ka, malakas tayo. Ang pamilya ko kasi sobrang masayahin talaga. Sila, hindi rin nila iniinda kung anu-ano. Ganyan lang, stay strong,” dagdag ng dalaga.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement