Connect with us

Concept News Central

Libreng pagkain sa pamilya ng may COVID-19

Published

on

Babaha ng libreng pagkain. (IMD image)

Inanunsyo ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ngayong Martes, ika-20 ng Oktubre, na bibigyan ng ayudang pagkain ang mga trsuper ng dyip, tricycle at pedicab pati na ag mga nagtitinda sa palengke at manggagawa sa mga mall na magpa-positive sa libreng swab testing ng pamahalaang panglunsod.

Ayon kay Domagoso, ang ayuda ay makakatulong sa mga tatamaan ng COVID-19 na bawasan ang kanilang pag-aalala sa kanilang mga pamilyang naiwan sa bahay.

“As we speak today, ang inyong pamahalaang lungsod ay magde-deliver ng kaunting ayuda para masiguradong may makakain ang inyong mga pamilyang inyong pinagsisikapan na mairaos,” ani Domagoso.

“Papasok po ang pamahalaang lungsod at ngayon po kahit po medyo maulan, inatasan ko na po na i-implement agad itong bagong program na ito dahil hindi naman po siya imposible,” dagdag niya.

Tig-isang sako ng bigas at grocery items ang ipapamahagi sa bawat pamilya ng empleyadong nag-positive sa COVID-19 sa ilalim ng isinasagawang libreng mass swab testing.

Patuloy naman ang paghihikayat ng alkade sa lahat ng napapabilang na empleyado na magpa-test para na rin sa kapanatagan ng kanilang kalooban at ng kanilang pamilya.

“Focus on yourself. Magdasal kayo sa Panginoon Diyos. Tibayan niyo ang inyong damdamin. Marami pong nabubuhay, posible na mailigtas kayo. Mas magaap na malaman at maagap ding medical attention, it would be better for you and your family na possible niyong mahawa,” sinabi ng Alkalde.

“Katulad ng kumpurmiso ko, magiging kaagapay niyo ang inyong pamahalang lungsod. Ipapadala na po yan ngayon, at magtutuloy tuloy na yan. Sa maliit naming kaparaan, umasa kayo na ang pamahalaang lungsod, sampu ng aking mga kasamang kawani, hindi po kami titigil maging bahagi ng solusyon,” dagdag niya.

Samantala, umabot naman na sa humigit 4,000 public utility drivers, tindero ng 17 pampublikong palengke, at mall workers ang na-test nang magsimula ang libreng mass swab testing sa lungsod.

p: wjg

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement