Connect with us

Concept News Central

Charter change, gipit sa oras!

Published

on

Inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na sinusuportahan niya ang pagkakaroon ng Charter change kung sakaling itutulak pa ito ng kasalukuyang administrasyon.

Sa isang panayam ng Straight Talk ng Daily Tribune nitong Martes, sinabi ng bagong-hirang na Speaker na bagama’t buo ang suporta niya para sa pagbabago ng Konstitusyon, kulang at gahol na umano sila sa oras.

Dagdag niya, nakapokus ngayon ang pamahalaan sa pagharap sa problema ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic kung kaya hindi pa napag-uusapang muli ang Charter change ngayong mga panahon na ito.

“To be honest po talaga I would want to push for charter change but I think there is really no more time, especially we’re focusing all our efforts sa COVID,” saad ni Velasco.

“At the end of the day I really feel that we have to review, amend our charter. Kagaya po dito sa ating mga public officials, when we talk about term changes, to be honest, kinakailangan po natin,” dagdag niya.

Paglilinaw rin ng House Speaker, kailangan ding bisitahin sa panukala ang mga term limits lalo na ang sinasabing three-year term na nakapaloob dito.

Pero sinabi rin ni Velasco na ang huling desisyon ay manggagaling kay Pangulong Rodrigo Duterte – kung saan ito ang isa sa kanyang “campaign promise” noong tumakbo siya bilang Pangulo ng bansa noong 2016.

“Ako po ay makikipag-usap sa ating mahal na Pangulo, kung sinabi po niya ay kinakailangan po nating gawin, ay gagawin po natin. But ako po personally, I feel na kailangan magfo-focus muna tayo sa mga COVID-19 responses,” sabi ni Velasco.

Kung matatandaan, kinansela ni Velasco ang lahat ng House committee hearings nitong Lunes upang ma-review at ma-prioritize ang mga legislative agenda ng Pangulo.

Siniguro rin ng House Speaker na tatrabahuhin nila ang mga panukalang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Law at sa Financial Institutions Strategic Transfer Act na naka-pending na sa Senado.

Ayon pa kay Velasco, target din nilang maipasa ang batas kaugnay sa paggamit ng coco levy trust fund bago mag-Pasko.

“Actually kausap ko ang chairman ng agriculture [committee] at sinabi ko I want the coco levy fund to be finished, at magandang regalong pamasko sa ating mga coco farmers,” saad ni Velasco.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement