Connect with us

Concept News Central

Andrea Torres: Kasal muna!

Published

on

sasama na sila sa iisang bubong, nilinaw pa rin ng aktres na si Andrea Torres na hindi niya bet ang mag-live in kahit pa bukas ang isip niya sa mga ganitong klaseng bagay.

Kasi naman, hindi pa rin mamatay-matay ang alingasngas na live-in na sila ng kanyang hunky boyfriend na si Derek Ramsay lalo pa at may mga ebidensya umanong nakikita ang mga netizens.

Pero si Andrea, talagang ipinagdiinan na hindi pa siya nakatira sa mansyon ng hunk actor tulad ng mga napapabalitang magka-live-in na sila.

Nagsimula ang tsismis na live-in na sila matapos lumabas ang pa-house tour video nila ni Derek sa social media at ang impression kasi ng viewers, nagsasama na sila kaya feeling wife na ang aktres.

“Actually nagulat kami kasi nakapaka-spotaneous nung vlog na ‘yun. Hindi kami nag-prepare talaga. Parang naisipan lang namin that time mismo na gumawa ng house tour,” kuwento ni Andrea.

“So, kaya kung makikita niyo may mga part po doon na hindi pa tapos, may sampayan pa, ganyan. So hindi namin naisip na ganun ‘yung magiging impression. Pero sabi ko ng bilang girlfriend, siyempre natutuwa ako na sinasabi ni Derek na it’s our house, na sinama niya ako doon sa proseso ng pag-build ng house, pagpili nung mga laman ng house,” dagdag niya.

“Pero ‘yun, hindi po kami magkasama sa iisang bahay. And I know it works for other people and I respect that pero personally kasi gusto ko talaga, ikasal muna kami bago kami magsama. So ‘yun talaga, ‘yun ang gusto ko talaga mangyari with us.”

Sa usaping kasalan naman, nilinaw ni Andrea na napag-usapan na nila ni Derek ang topic.

“We definitely talk about it pero ‘yun nga, ‘yung details or ano, pagdating na lang natin doon sa moment na ‘yun. But definitely, isa ‘yun sa mga goal namin bilang couple,” ani Andrea.

Sa tanong kung okay lang ba kay Andrea na makasama sa bahay ni Derek ang mga magulang nito sakaling tumira na rin siya roon?

“Actually kino-convince talaga namin sila na ngayon palang lumipat na doon sa bahay ni Derek pero ayaw pa kasi nila umalis doon sa place nila ngayon kasi marami rin talagang memories doon kasi doon din lumaki sila Derek,” sagot ni Andrea.

“Pero, ako gustong-gusto kong kasama at kausap ‘yung parents niya and I’m very grateful na parang second parents na ‘yung dating nila sa akin. Kung gaano ako ka-open sa magulang ko, ganu’n din ako ka-open sa mga magulang ni Derek,” dagdag niya.

So kelan namin maririnig ang wedding bells Andrea? Char!

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement