Connect with us

Concept News Central

Kris: Maraming beses ka mang nabigo kakayanin mong maniwala that forever can really begin

Published

on

Winner na naman ang mga hugot ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account tungkol sa napakailap na salitang “forever”.

Muling nag-post ang TV host-actress sa IG ng kanyang nararamdamang kaligayahan ngayon at sa mga bagong ganap sa kanyang buhay at career.

Pahayag ng mommy nina Joshua at Bimby, “There are things in life I learned to leave behind because the past whether beautiful or painful is really just a memory.

“Pero naiiba pala ang pananaw sa buhay pag pinaglaban ka na, at pinaramdam sa ‘yo kung gaano kahalaga ka- maraming beses ka mang nabigo ng iba, kakayanin mong maniwala that this time FOREVER CAN REALLY BEGIN.

“And you & I can finally believe that the memories we’ll create will be even more unforgettable.

“Our FOREVER begins this Wednesday, October 21, dahil babalikan ko na ang aking una at huling minahal,” ang caption ni Kris sa kanyang post.

Pahabol pa niya, “Clarification: 10/21 you’ll get to watch me doing something that is ‘iconic’ to my film career, and for many of you, it’s a part of your childhood & teen memories… FOREVER, well that’s something worth waiting for, I’ve waited and I hope so will you.”

May mga humula na baka ito na nga ang hinihintay na pagbabalik niya sa pagiging talkshow host matapos hindi matuloy ang TV show sana niya sa TV5.
Ilan naman ang nagsabi na isa na naman itong bagong endorsement para kay Kris na may konek sa salitang “forever.”

Meron namang nagbanggit ng pangalan ng tatay ni Joshua na si Phillip Salvador na nagsabing baka ito raw ang tinutukoy ni Kris na “una at huling minahal.”

Sagot naman ni Kris, “Hindi siya ang una kong minahal & patahimikin natin ang buhay ng mga taong mapayapa na ngayon.”

May reply din si Kris sa nagsabing sila na lang daw ni Atty. Gideon Pena, “I’m okay on my own. nag-usap kami recently & alam n’ya na okay ako. There are people who make good partners & there are people like me who are good solo parents, able providers, and focused with making sure my sons are secure.

“Please don’t misinterpret this statement- simply take it for what it is- we will never be ready for each other because we’ll always put others above each other. And we’re mature enough to know that. Had @attygideon only been at least 13 years older, he would be ideal. So someone like him, but an older him.”

Paglilinaw pa niya, “We don’t ‘love’ each other in the romantic sense BUT we love each other like family- actually @attygideon is already an adopted member of our family- remember when I said 4 people very close to us had Covid-19- he was actually 1 of them.

“So, we’ve been through sa hirap at ginhawa already. When you’ve experienced something like that, the bond is really for life.

“Kuya & Bimb like him too much, he’s already the older brother they could have had (definitely not the stepfather) and he’s actually 1 of my closest & most trusted friends. And that lasts much longer, I have only a few real friends- but they are for LIFE.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement