Connect with us

Concept News Central

Roque ipinagtanggol si Pialago sa ‘drama serye’ tag sa nanay ni Baby River

Published

on

Ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago matapos namang mabatikos nang ihalintulad ang buhay ng aktibistang si Reina Mae Nasino sa drama serye.
“Hayaan po natin na magkaroon ng personal na opinyon si Spokesperson Pialago,” sabi ni Ruque.
Nauna nang pinuna ni Pialago ang mga nakikisimpatiya kay Nasino matapos namang mag-viral ang litrato na nakasuot ng personal protective equipment habang nakaposas ang mga kamay.

Hindi mapunasan ni Nacino ang kanyang mga luha habang inililibing ang sanggol na si Baby River sa Manila North Cemetery.

“Masyado ninyong ginagawang pang drama serye sa hapon ang paghihinagpis niya. Tigilan niyo!,” sabi ni Pialago sa kanyang social media account.

Matapos mabatikos, humingi na ng sorry si Pialago.
“Hindi ako magwi-withdraw. Pero gusto kong ma-emphasize ‘yung salitang drama serye. Na-highlight kasi ng netizens natin sa Facebook  tila ba binabatikos ko ‘yung  paghihinagpis ni Reina,” dagdag ni Pialago sa isang panayam.
“Ang pino-point out ko sa ‘drama serye’ ay ‘yung mga kababayan natin na kina-capitalize nila ‘yung issue of a grieving mother,” sabi pa ni Pialago.
Inaresto si Nasino, 23, at dalawa pang aktibista sa opisina ng Bagong Alyansang Makabayan noong Nobyembre 2019 at kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives. Matapos na maaresto, napag-alaman ni Nacino na buntis siya ng buwan.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement