Connect with us

Concept News Central

PBA: Cone bilib kay Racela

Avatar

Published

on

Bagamat hindi raw siya umaasam ng papuri mula sa iba ay ikinatuwa ni Blackwater coach Nash Racela ang pahayag ni Barangay Ginebra coach Tim Cone na ang bilis at lakas ng impact ni Racela sa kanyang bagong team.

Ayon kay Racela, matapos matalo ang kanyang team sa Ginebra noong Huwebes ay sinuwerteng nagkita sila ni Cone sa poolside ng kanilang bubble accommodation upang mapag-usapan ang laro.

“Though I’m not really looking forward to those praises from other people, I appreciate it once in a while. But I know who my greater audience is. We play, we coach, we live for the audience of one which is God,” wika ni Racela.

“But thank you, coach Tim. I also want to hear it once in awhile,” anya.

Ang tinutukoy ni Racela ay ang sinabi ni Cone na “I thought Nash was a great coach when he was coaching Talk ‘N Text.”

“I was always impressed by the way his teams will prepare and the way they read the defense. They read the defense really, really well,” wika pa ni Cone.

Ang pahayag ay ginawa ni Cone matapos talunin ng Blackwater ang NLEX, 98-88, para sa ikalawang panalo sa tatlong laro. Bumira ang Blackwater ng 35 points sa third quarter ng naturang laro para maiposte ang panalo.

Inamin ni Cone na pinahirapan ng Blackwater ang Ginebra matapos umiskor ang Elite ng 39 points sa third quarter din.

“We had a hard time especially in the second half. They came out, did to NorthPort the same thing they did to us. That big third quarter, I’m really impressed with the way they read the defense and they react really well and they made the right passes. We were scrambling most of the night,” ani Cone.

Advertisement