Connect with us

Concept News Central

Palasyo dumistansiya sa umano’y overkill na seguridad sa libing ni Baby River

Published

on

Dumistansiya ang Palasyo sa umano’y overkill na seguridad para sa libing ni Baby River Nasino, sa pagsasabing nirerespeto nito ang ginawang paghahanda para bantayan ang nanay na political detainee na si Reina Mae.

“You know, the President does not micromanage. And in matters of securing an accused facing a non-bailable offense, the President can never substitute judgment from that of the commander on the ground,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing.

Ito’y matapos batikusin ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa umano’y overkill na seguridad habang inililibing si Baby River.

“We respect whatever decision of the commander may have been on the ground. If he felt that such a security arrangement was necessary, so be it,” dagdag ni Roque.

Inihatid sa huling hantungan ni Nasino ang kanyang anak na si Baby River sa Manila North Cemetery noong Biyernes. Nakasuot si Nasino ng personal protective equipment habang nakaposas ang mga kamay.

Siya ay binantayan ng maraming  jail guard.

Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang pangyayari, sa pagsasabing nagpapakita lamang ito ng hindi makataong trato kay Nacino.

“It seemed like overkill. We saw the photos, the footage, we don’t know why the response was like that. The mother was alone and she only wanted to see her dead daughter,” sabi ni Robredo.

Nanganak si Nasino noong 1 Hulyo matapos maaresto sa opisina ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila.

Kinabukasan, ibinalik si Nasino sa city jail. Nahiwalay si Nasino sa kanyang sanggol simula 13 Agosto at hindi na muling nakita ang anak hanggang siya ay namatay dahil ds bacterial infection sa baga noong 9 Oktubre.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement