Connect with us

Concept News Central

Magkapatid arestado sa droga sa QC

Published

on

Arestado ang magkapatid sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Ralph Galicia, alyas Raprap, 31  at kanyang ate na si Sally Galicia, 39, kapwa residente ng Brgy. Bungad.
Ayon sa Masambong Police Station (PS2), nakatala si Galicia bilang top 3 drug personality.
Idinagdag ng pulisya na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng iligal na aktibidad ni Galicia, dahilan para magsagawa mg buy-bust ganap na alas-7:20 ng gabi Lunes ng gabi sa No. 34 Villegas st., Brgy. Bungad, Quezon City.
Isang undercover na pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng P500 halaga ng shabu mula sa batang Galicia, na dumating kasama ang kanyang ate.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement