Connect with us

Concept News Central

Lights, camera, vroom

TDT

Published

on

Tama si Interior Secretary Eduardo Año na kung papayagan nang mag-operate ang 100 percent ng mga negosyo sa bansa ay kailangan na rin madagdagan ang public utility vehicles (PUV) na magseserbisyo sa publiko.

Isa sa mga option ang ride-hailing motorcycle service tulad ng Angkas na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Managing Emerging Infectious Diseases na ituloy na ang pilot operations.

Katunayan, nagpasalamat na ang riders ng Angkas dahil mukhang matatapos na rin ang kanilang kalbaryo ng kawalan ng trabaho sa mahabang panahon.

Ayon kay Secretary Año, oras na mabalik ang motorcycle taxis ay kailangang equipped sila ng barriers na physically ay maghihiwalay sa pasahero at driver.

Ang barrier na iyan ay hindi required sa mga mag-asawa o magkasama sa iisang bahay na sasakay sa iisang motor. Wala nang debate d’yan sa pagkakataong ito.

‘Yung barrier naman ay acceptable din sa motorcycle taxis kahit pa nagkaroon ng pagtatalo sa pagiging epektibo nito, pagiging delikado at maging sa anong disenyo ang maganda.

Sa harap ng pandemya at pangangailangan ng tao ng trabaho, transportasyon at kasiguruhan sa pag-iwas sa COVID-19, maganda na magkaroon pa ng mas maraming pag-uusap sa mga involved na sektor ng lipunan.

Kailangan ng ibayong pagtutulungan dahil mahaba pa ang laban at hindi tayo dapat bumigay lalo pa’t malapit na dumating ang mga bakuna na hopefully ay tatapos sa salot na ito.

Mahalaga rin ang mental health kung kaya most welcome din ang ginawang pagbubukas ng ilang branches ng SM Cinemas sa mga modified general community quarantine areas.

Maganda ang protocol na ipinatutupad dahil kung ilang silya ang pagitan ng mga manonood na nire-require din na magsuot ng mask at face shield, magregister at mag-scan ng QR code sa lobby at mag-disinfect.

Ang totoo’y may ilang drive-in movie theaters na ang nagbukas na matagal nang konsepto sa Amerika na ngayon ay muling nabuhay bilang pag-iwas mahawa ng COVID.

Kapag nasa loob ka nga naman ng sarili mong sasakyan ay malabong mahawa ka ng mga nasa kani-kanila ring sasakyan lalo na kung sarado ang bintana.

Pero hindi naman lahat ng tao ay may kotse at afford ang medyo mahal na tiket sa drive-in cinema kung kaya tama rin ang SM Cinemas na muling magbukas na.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement