Connect with us

Concept News Central

Libreng rapid test sa mga guro alok ng Antipolo City

Published

on

Nag-aalok ang lokal na pamahalaan ng Antipolo City ng libreng rapid test para sa lahat ng pampubliko at pribadong guro para mapigil ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

Sinabi ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares na iilan guro lamang ang sumailalim sa rapid testing.

“Mula sa mahigit 5,000 public and private school teachers na inimbitahan po natin na magpa-test sa pamamagitan ng tanggapan ni Dr. Cris Diaz, Antipolo DepEd Division Superintendent, tanging 1,120 lamang ang dumalo (29 mula sa private),” sabi ni Ynares.

Idinagdag ni Ynares na nagnegatibo ang lahat, maliban sa 10 na nagpositibo sa swab (RT-PCR) test.

“Sa ngayon ay naka-mandatory isolation na at naisagawa na rin po ang contact tracing at ang pag suri sa kanila pong mga nakasalamuha,” ayon pa kay Ynares.

Kagabi ng alas-7 ng gabi, umabot na 2,886 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, kung saan 81 ang patay, samantalang 2,689 ang nakarekober.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement