Connect with us

Concept News Central

Hindi kawalan si Romeo

Published

on

Sinagasaan ni Moala Tautuua'a ang mga kalaban sa eksenang ito ng laban sa Dyip. (PBA photo)

Sa wakas, may panalo na sa Philippine Basketball Association (PBA) bubble ang San Miguel Beer kahit pa wala na ang key player nilang si Terrence Romeo dahil sa shoulder injury.

Pinuno ni Moala Tautua’a ang kakulangan ng defending champion nang tumirada siya ng 25 puntos na may kasama pang 6 rebounds at 3 assist sa kanilang 105-98 demolisyon ng TerraFirma sa PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation sa Clark, Pampanga Lunes ng gabi.

Apat pang Beermen ang nag-double digit na puntos upang matamo ang ikalawang panalo sa torneo. Si Arwind Santos ay pumuntos ng 20 na may kasamang 13 rebounds.

Marcio Lassiter namay ay nagdagdag ng 18 puntos, si Von Pessumal ng 17 at si Paul Zamar ng 11 points.

Nanguna naman si CJ Perez sa Dyip sa kanyang 20 puntos at 9 rebounds.

Nananatiling nasa pinakababa ng team standings ang Terrafirma dahil sa kanila ikatlon sunod na talo.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement