Connect with us

Concept News Central

EDSA Carousel hindi PWD-friendly

Alvin Murcia

Published

on

Hindi umano isinasaalang-alang ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWD) sa EDSA bus carousel stops dahil nasa kaliwa ang pinto at tatlong stops lang ang mayroon nito.

Ito ang puna ni Atty. Ariel Inton sa online media forum ng National Press Club bilang founder ng Lawyers for Commuters’ Safety and Protection na humihiling sa MMDA na aksyunan ang isyu.

Sinabi ni Inton na masusing pag-aaral ang dapat ay isinagawa kaugnay ng EDSA carousel bus system upang mas maganda ang serbisyo sa publiko pati na sa PWD, imbes na maging pahirap sa madla.

Ang bus stops sa EDSA busway ay inilagay sa kaliwang bahagi ng kalsada upang umano’y mas maging maayos at pagbaba ang pagsakay ng mga pasahero.

Pinansin rin ng grupo ni Inton ang paglalagay ng concrete bollards sa EDSA na maraming beses nang nabangga.

Idinepensa naman ni MMDA spokesperson Celine Pialago ang paglalagay ng bollards. Aniya, marami kasing motorista ang sobra ang bilis magpatakbo o kaya’y nakainom kaya nababangga sa road separator.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement