Connect with us

Concept News Central

DOH bukas sa imbestigasyon hinggil sa isyu ng Dengvaxia–Duque

Published

on

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na bukas siya sa imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na isyu ng Dengvaxia matapos ang pahayag ng Public Attorney’s Office (PAO) na muli siyang sasampahan ng kaso, kasama ang iba pang opisyal na iniuugnay sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng vaccine.
Nauna nang sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na muling kakasuhan sina Duque, dating Health secretary Janette Garin at mga opisyal ng Sanofi Pasteur Inc., matapos na masawi ang 100 batang nabakunahan umano ng Dengvaxia.

Idinagdag ni Acosta na kabilang sa mga ihahain ay ang paglabag sa Anti-Torture Act of 2009, na kung saan hindi pinapayagan ang piyansa.

“Lagi naman po natin sinasabi di ba na kung saka sakaling may mga gusto mag-imbestiga o magsampa ng kaso against DOH o any of its officials bukas po ang ating tanggapan,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Tayo nga po ay mas ginugusto natin na talagang sa official courts or sa mga ganitong level ng imbestigasyon tayo magkaroon ng ganitong pakikipag-ugnayan para po ang lahat ay maibigay at ang katotohanan ay mailabas so we are open to that wala po tayong ikokontra dyan,” dagdag ni Vergeire.

Noong Pebrero, kinasuhan si Garin, kasama ang iba mga opisyal ng Sanofi, bagamat hindi nakasama si Duque.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement