Connect with us

Concept News Central

Dodgers umisa pa!

Avatar

Published

on

Ipinukol ni Enrique Hernandez ng Los Angeles Dodgers ang bola para subukang pigilan ang isang Atlanta Braves runner sa second inning ng Game 6 ng National League Championship Series sa Globe Life Field sa Arlington, Texas nitong Linggo. AFP

Tatlong runs ang ipinoste ng Los Angeles Dodgers sa unang inning upang maungusan ang Atlanta Braves sa final score na 3-1 at maikasa ang winner-take-all Game 7 sa National League Championship Series ng US Major League Baseball.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Dodgers upang umabante sa kanilang ikatlong World Series sa loob ng apat na taon.

Ang Game 7 ay nakaiskedyul sa Arlington, Texas sa Linggo (Lunes sa Pilipinas) kung saan ilang manonood lang ang papayagan sa stadium bilang pag-iingat laban sa coronavirus pandemic.

Ang mananalo sa pagitan ng Dodgers at Braves ay papasok sa World Series kalaban ang mananalo sa pagitan ng Tampa Bay Rays at Houston Astros sa American League Series.

Game 7 rin ang paglalabanan ng Rays at Astros matapos Manalo ang Astros, 7-4, kamakalawa upang manatili sa serye.

Bago ang Game 6 win ng Dodgers ay itinumba rin nila ang Braves sa Game 5, 7-3.

Binalibag ni Corey Seager and ikalima niyang home run sa series habang pinalipad ni Justin Turner ang bola 418 feet sa centerfield upang pasimulan ng Dodgers ang Game 6 na tangan ang 3-0 lead sa first inning.

Ang tatlong runs sa first inning ay nagsilbing ganti ng Dodgers sa 11 runs ng Braves sa first inning ng Game 3 na pinagwagian nito sa iskor na 15-3.

Sa anim na innings ay di pinaiskor ni Dodgers starting pitcher ang Braves bagamat nakapitong hits ito. Anim na batters ang na-strike out ni Buehler at hindi siya nag-surrender ng kahit isang walk.

Sinelyuhan naman ni closing pitcher Kenley Jansen ang panalo sa pamamagitan lang ng anim na bato na nagresulta sa tatlong strikeout sa ninth inning.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement