Connect with us

Concept News Central

Bea 33 na: Napakaraming sakit na dinanas pero nakabangon pa rin

Published

on

NAGMISTULANG documentary ang latest vlog ni Bea Alonzo kung saan ibinahagi niya ang ilang life lessons na natutunan nitong nagdaang taon.

During the weekend (Oct. 17), Bea just celebrated her 33rd birthday and she documented it through her vlog and shared her realizations as she turned a year older.

“Definitely, this year brought me so many lessons, pains that I really learned from,” simulang pagbabahagi ng Kapamilya drama actress.

“It left me anxious also and siguro worried about the future, about the uncertainties of tomorrow.

“But siyempre lagi dapat nating hinahanap ‘yung silver lining in everything. May rason for everything. So ngayon, mas pinipili ko na lang bilangin ‘yung mga blessings ko,” aniya pa.

At bilang bahagi ng pagse-celebrate ng kanyang kaarawan, nag-share ng blessings ang dalaga sa isang simbahan sa Makati City.

“Na-realize ko, bakit hindi ko ise-share, ‘di ba? No man is an island. It’s my way of inspiring people but also it’s my way of calling your attention na there is an organization that can be the middle man from you to the people that need help,” pahayag ni Bea.

Ang tinutukoy niya ay ang kanilang I Am Hope foundation na nagsimula lang noon bilang charity organization para makatulong sa mga COVID-19 frontliners.

Samantala, shocked naman ang aktres sa pa-surprise ng mga kasamahan niya sa I Am Hope team para sa kanyang birthday.

“Ang galing nila kasi hindi ko naisip. Wala akong clue in my head, sana nag-ayos ako ng konti. Ha-hahaha!

“It was really special, you know why? Because I met these people early this year lang. I feel like I’ve known them forever,” aniya pa.

Nagkaroon din siya ng intimate birthday dinner sa bahay para naman sa kanyang glam team, “They have been there through it all and I just want to be able to make them feel special.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement