Connect with us

Concept News Central

Barriers required sa motorcycle taxis

Paula Antolin

Published

on

UMAASA ang mga driver ng ride-hailing motorcycle firms tulad ng Angkas na muli na silang makakapasada. AL PADILLA

Oras na payagan uli mag-operate ang motorcycle taxis ay ire-require sila na maglagay ng barriers upang maiwasan ang transmission ng coronavirus disease 2019, pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año nitong Linggo.

Hinihikayat din ang mga pasahero na magdala o gumamit ng sarili nilang helmet. Sa kasalukuyan ay pinapayagan ang tandem riding sa motorcycle ng mag-asawa o ng magkasama sa iisang tirahan.

“Sa motorcycle taxi ay talagang requirement ‘yung barrier kasi hindi ‘yan magkakakilala e,” wika ni Año.

“At saka ‘yung paggamit ng helmet, ini-encourage natin ‘yung mga commuters sana meron kayong sariling helmet para hindi kayo manghihiram,” aniya.

Ayon kay Año, ang motorcycle helmets na ipahihiram sa mga pasahero ay dapat i-disinfect bago ipagamit.

Samantala, umabot na sa 39.48 million ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan ay 1,105,667 na ang namamatay.

Ang pagbabalik sa kalsada ng ride-hailing services para sa motorcyles ay malaking tulong sa mga mananakay, pahayag ng hepe ng DILG.

Ito ay sa harap ng plano ng pamahalaan na payagan nang mag-operate ang 100 porsyento ng mga negosyo sa bansa. Kung hindi mapupunan ang mga sasakyan, tinatayang 400,000 pasahero ang maaaring ma-stranded.

“The motorcycle taxi plus the appropriate barrier naman ay additional ‘yan. Napakalaking tulong niyan sa ating mga commuters,” aniya.

Sa isang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases (IATF), inindorso nito ang pagpapanumbalik ng motorcycle taxis.

Umaasa ang ride-hailing firm Angkas na malapit nang makabalik sa serbisyo ang mga driver nila alinsunod sa rekomendasyon ng task force.

Nitong nakaraang linggo ay nagsagawa ng thanksgiving ride ang mga miyemrbo ng Angkas.

Advertisement